Shabu, heroin nananatiling banta sa Asean region-UNODC

 

Kuha ni jomar Piquero

Nagpahayag ng pagka-alarma kaugnay sa pagkalat ng iligal na droga sa Southeast Asia ang mga dumadalo sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly dito sa Pasay City.

Base sa report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) and the ASEAN Senior Officials on Drug Matters (ASOD) sa mga ASEAN member-countries solons, sinabi ng mga ito na nananatiling shabu at heroin ang banta sa ASEAN region.

Patuloy din anila ang expansion ng market ng shabu sa Southeast Asia at sa kalapit nitong East Asia Region.

Sinabi ng UNODC na sa nakalipas na mga taon, umabot sa record high ang mga nasabat na mga methamphetamine tablets at crystalline.

Patuloy din ayon sa UNODC ang pagtaas ng mga manufacturing facilities ng iligal na droga upang maka-agapay sa lumalakas na demand sa rehiyon.

Inihayag din ng UNODC na mayroong bagong tuklas na iligal na droga sa East at Southeast Asia na kung tawagin ay new psychoactive substances o NPS kabilang ang potent synthetic opioids, tulad ng derivatives mula sa fentanyl na kasalukuyang inuugnay sa opioid overdose crisis in North America.

Idinagdag pa ng UNODC na patuloy din ang pamamayagpag ng opium poppy cultivation sa tinatawag na Golden Triangle o Lao, Thailand at Vietnam.

Read more...