6 nailigtas sa gumuhong gusali sa Kananga, Leyte

 

Anim katao ang nailigtas sa loob ng gumuhong gusali sa bayan ng Kananga, Leyte kagabi.

Kabilang sa mga na-rescue ng mga rumespondeng emergency units ang mga biktimang sina Nerissa Superales, kahera ng New Town Grocery na nasa ground floor ng tatlong palapag na gusali na nagtamo ng mga galos sa katawan.

Kabilang rin sa mga nailigtas sina Jovelyn Solomon, 29, at mga anak nito na sina Alona Nicole Geraldez, 7 taong gulang, at Sancho, 4 years old.

Naialis ang apat sa gumuhong gusali dakong alas-8:00 ng gabi.

Samantala, dakong alas 10:00 kagabi, na-rescue naman sina Edgar Cabahug at isang nagngangalang Cathy.

Habang inaalis sa lugar ng guho ang mga biktima, sinalubong ang mga ito ng palakpakan at hiyawan mula sa residente.

Sa pinakahuling tala, nasa dalawa ang nasawi sa naturang pagguho ng naturang commercial building.

Read more...