Wala nang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Ormoc at Tacloban City.
Ito ay matapos yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Jaro, Leyte dakong alas kuwatro ng hapon, Huwebes.
Ayon kay Tacloban City Mayor Cristina Gonzales, magsasagawa muna ng inspeksyon ang mga engineer sa mga schoolbuildings upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
Dagdag ni Gonzales, bukod sa mga eskwelahan, iinspeksyunin din ang lahat bg gusali sa lungsod.
Samantala sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na magsasagawa rin sila bg pag iinspeksyon sa mga gusali kung kaya sinuspendi rin ang pasok bukas sa lahat ng lebel.
Bukas na rin aniya ang Incident Command Center sa Ormoc City Hall grounds.
Samantala, nagdeklara na rin ng class suspension sa lahat ng antas sa University of Cebu.