Isa ang patay at mahigit sa 80 ang sugatan sa Ormoc City sanhi ng naganap na lindol kaninang hapon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na isang lalaki ang natabunan ng buhay makaraang gumuho ang bahagi ng isang bundok sa Barangay Sabang Bao.
Nananatiling walang suplay ng kuryente sa kabuuan ng lungsod ayon pa rin sa alkalde.
Ipinag-utos na rin ni Gomez ang kanselasyon ng mga klase bukas dahil kinakailangan pa umanong inspeksyunin ng kanilang engineering team ang lahat ng mga gusali s akanilang lungsod.
Isang team din ang kanyang binuo na mangangasiwa naman ng mabilisang pagbibigay ng tulong sa mga taong naapektuhan ng lindol.
Prayoridad sa kanilang mga inaasikaso sa kasalukuyan ay ang pagtiyak na nasa maayos na kalagayan ang ilang mga residente na nakatira sa ilang mga Barangay na malapit sa mga kabundukan sa lungsod.
Pasado alas-kwatro ng hapon kanina ng yanigin ng magnitude 6.5 na lindol ang lalawigan ng Leyte at mga kalapit lugar