Magnitude 6.5 na lindol sa Leyte, hindi maituturing na major earthquake ayon kay Solidum

Bagamat malakas, hindi maituturing na major earthquake ang nangayaring magnitude 6.5 na lindol sa malaking bahagi ng Leyte at Tacloban city at kalapit na mga lugar kaninang pasado alas kuwatro ng hapon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, sinabi nitong walang tsunami alert dahil nasa lupa ang sentro ng lindol pero posible ang aftershocks at pinsala.

Pero kung sa urban area anya ang naganap na magnitude 6.5 na lindol at kung ita-translate sa paggalaw ng West Valley Fault ay posible ang 23,000 na mga katao ang namatay pero dahil nasa kabundukan ang lindol ay hindi inaasahan ang naturang pangyayari.

Mas mababang aftershocks na anya ang maaasahan kasunod ng malakas na lindol.

Read more...