Balik na sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Engineer Octavio Lina, MIAA operations Chief, pasado ala-una ng tanghali kanina ng maisa-ayos ang runway na nagkaaberya kaninang dulot ng lubak.
Pasado alas dyes ng umaga kanina, inanunsyo ng NAIA na 15 Flights ang na-delay matapos isara ang international runway ng paliparan dahil sa sirang bahagi ng runway.
Ito ay ang mga international flights ng Philippine Airlines mula Incheon, Sydney, Nagoya, Doha at Riyadh.
Flight ng Korean Air galing Incheon, China Southern Airlines galing Guangzhou, Asiana Airlines galing Incheon, Gulf Air galing Bahrain, EVA Air galing Taipei, Thai Airways galing Bangkok at Malaysia Airlines galing Kuala Lumpur.
Apektado rin ang biyahe ng Cebu Pacific mula Davao, Manila at Hong Kong.
Na-divert naman patungong Clark ang mga Byahe mula Riyadh, Doha, Incheon, Canton, Bahrain, Sydney at Nagoya.
Samanta, humingi naman ng pang unawa ang pamunuan ng NAIA para sa mga naabala at sinabing ginawa lang nila ang naturang hakbang para sa kaligtasan ng kanilang mga byahero.
Para naman sa mga kaanak na naghihintay ng kanilang mahal sa buhay na lulan ng nabanggit na mga flights, maaring makipag-ugnayan sa airline company upang mabatid nila ang bagong estimated time of arrival ng eroplano.
Narito ang mga numero: T1 : 8771109 loc 765 T2: 8771109 loc 2880 and 2882 T3: 8777888 loc 8144 T4: 8771109 loc 4226.
Maari rin mag text sa numerong 09178396242 O di kaya naman ay tumawag sa kanilang hotline na 8771111.