Maute group humirit ng negosasyon ayon sa Malacañang

Ang Maute group ang humiling ng back channel talks kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa paglusob ng grupo sa Marawi City.

Ito ang tugon ng Malacañang sa ulat kung saan sinabi ng prominenteng Muslim leader na si Agakhan Sharief na nilapitan siya ng isang aide ni Duterte para magbukas ng back channel talks sa Maute group.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tinanggihan ni Duterte ang umano’y alok ng grupo na makipagnegosasyon.

Gayunman, hindi pa maberipika ng tagapagsalita ng pangulo ang laman ng pahayag ni Sharief.

Nilinaw rin ng Malacañang na wala silang balak, o si Duterte na makipagnegosasyon sa naturang teroristang grupo na nais magtayo ng ISIS cell sa Pilipinas.

Ani Abella, rebelyong maituturing ang ginagawa ng Maute group dahil sa pagsunod nila sa dayuhang lider at sinusunod nila ang mapanganib na ideolohiya na nakasasama sa sambayanang Pilipino.

Read more...