Leyte at mga kalapit lugar niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang malaking bahagi ng Leyte at Tacloban City area.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Philvocs), 4:03 ng hapon naramdaman ang pagyanig.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 67 kilometers sa Kanluran ng bayan ng Jaro, Leyte.

May lalim lamang ng dalawang kilometro ang lindol na sinasabing tectonic ang origin.

Naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 5 sa Tacloban City, Palo Leyte at Cebu City.

Intensity 4 naman sa bayan ng Tolosa, Leyte; Sagay City, Negros Occidental at Burgos sa Surigao del Norte.

Intensity 3 sa Bogo City sa Cebu, Calatrava, Negros Occidental.

Intensity 2 sa Libjo, San Jose at Cagdianao sa Dinagat Islands.

Intensity 1 naman sa Roxas City, La Carlota City sa Negros Occidental.

Naramdaman rin ang pagyanig sa Ormoc City at ilan pang mga lugar sa nasabing rehiyon.

May mga ulat na rin na tinanggap ang Philvocs na naputol ang linya ng kuryente sa ilang mga lugar na niyanig ng lindol.

Nagbabala rin ng mga aftershocks ang Philvocs bagaman wala namang inilabas na tsunami alert.

Antabayanan ang mga dagdag na ulat sa Radyo Inquirer 990AM.

Read more...