WATCH: Dead Management Cluster binuo sa Marawi City

LDS-CMC

Matapos mabawi ng militar ang Dansalan College na isa sa stronghold ng teroristang grupong Maute, patuloy pa rin ang bakbakan sa sentro ng syudad.

Sa kabila ng pagpapatuloy ng bakbakan, naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Lanao Del Sur at maging ang AFP sa pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi.

Binuo na rin ang Dead Management Cluster para tumulong sa mabilis na pagrecover at pagkilala sa mga nasawi sa bakbakan kapag nagsimula na ang recovery operation sa Marawi City.

Narito ang report ni Jong Manlapaz:


 

Read more...