Padre de Pamilya sa masaker sa Bulacan, posibleng isailalim sa WPP ng DOJ

Kuha ni Jomar Piquero

Posibleng isailalim na rin ng Department of Justice sa WPP o Witness Protection Program si Dexter Carlos, ang ama na naulila sa masaker sa San Jose Del Monte Bulacan.

Si Dexter kasama ang abugado mula sa Public Attorneys Office at mga miyembro ng VACC ay nagtungo sa tanggapan ni WPP Director Nerissa Carpio para magpasaklolo.

Sinabi ni Justice Secretary Vitallano Aguirre II, pag-aaralan nila na ilagay sa Witness Protection Program si Carlos kung nararamdaman niya na mapanganib ang kanyang seguridad.

Sakaling makapasa ay mamadaliin ng DOJ ang proseso para siya ay makapasok sa programa.

Ayon sa kalihim, tanging ang pang seguridad na aspeto na lamang ang maipagkakaloob nila kay Carlos na naulila ng tatlong anak, asawa at Biyenan.

Matatandaang una nang ipinag-utos ni Aguirre sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng parallel investigation sa pagpatay sa pamilya ni Carlos.

 

 

Read more...