BIFF, nagbabayad ng P100,000 sa mga nire-recruit na bagong miyembro

33rd IB

Isang oras na tumagal ang bakbakan kahapon sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng 33rd infantry Battalion  ng Philippine Army at 4th Special Action Battalion ng Special Action Force laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Ang engkwentrong sa Datu Paglas sa Maguindanao ay nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na BIFF members at pagkakarecover sa matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Lt. Col Harold Cabunoc, Commander ng 33rd infantry Battalion, isinagawa nila ang operasyon dahil mismong ang mga residente sa Datu Paglas ang nagsumbong ng presensya ng mga BIFF sa lugar.

Base aniya sa pahayag ng mga residente, isang daang libong piso ang alok ng BIFF sa mga sasapi sa kanilang grupo.

Nagtataka naman militar kung saan kumukuha ng malaking pera ang BIFF at kung bakit sila nagpapalakas ng pwersa sa Datu Paglas.

Sa isinagawang operasyo sa barangay Mangadeg at nasabat sa anim na BIFF members ang matataas na kalibre ng baril.

Nai-turnover na sa PNP ang mga miyembro ng BIFF para sa pagsasailalim sa inquest proceedings.

 

 

Read more...