Pagpatay sa isa pang person of interest, hindi pa tiyak kung may kinalaman sa masaker sa Bulacan

Hindi pa matiyak ng Bulacan-PNP kung may kinalaman sa kaso ng pag-masaker sa limang miyembro ng pamilya ang pagpatay sa isa pang person of interest.

Ayon kay Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte Police, hindi pa nila masabi kung may kaugnayan sa kaso ng pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya ang pananambang kahapon sa isang alyas “Ponga”.

Si Ponga ay pinagbabaril habang nasa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Sto. Cristo.

Narito ang report ni Jan Escosio:

 

 

 

Read more...