LPA, binabantayan ng PAGASA sa Batanes

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ng PAGASA ang Low Pressure Area sa 415 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon maliit pa naman ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Sa forecast ng weather bureau ngayong araw ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Caraga.

Isolated na pag-ulan naman at thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

Read more...