400,000 katao, inilikas sa Japan dahil sa walang tigil na pag-ulan

Dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan, isinailalim sa forced evacuation ang higit-kumulang 400,000 katao sa Southern Japan.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide, ang pag-apaw ng mga ilog at pagguho ng mga lupa ay maaring magresulta sa malalaking pinsala sa buhay at ari-arian.

Higit kumulang 375,000 katao ang pwersahang inilikas sa Fukuoka Prefecture at nasa 21,000 naman sa Oita Prefecture ayon sa NHK o Japan Broadcasting Corporation.

Ang pag-ulang ito sa Japan ay nagmula sa isang weather system na nagdulot din ng malawakang pagbaha sa China na kumitil ng 56 na buhay at sumira sa 4 na bilyong dolyar na halaga ng imprastraktura.

Inaasahang ang malalakas na pag-ulan na ito ay magtatagal hanggang ngayong araw ng Huwebes.

Read more...