Pacquiao desisidong bawiin ang titulo kay Horn

 

Matapos matalo sa makasaysayang bakbakan na tinawag na “Battle in Brisbane”, bukas si Manny Pacquiao para sa isang rematch.

Sa late dinner na naganap sa kanyang mansyon sa General Santos City, sinabi ng pambansang kamao na handa siyang muling harapin si Horn sa boxing ring.

Nais niya umanong bawiin ang titulo kay Horn matapos itong matalo noong Linggo sa isang unanimous decision.

Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni Horn na bukas siyang bigyan ng pagkakataon si Pacquiao na bawiin ang kanyang championship belt kahit dito pa man sa Pilipinas ito ganapin.

Kung wawakasan man daw umano ni Pacquiao ang kanyang boxing career, gusto niyang magretiro sa pamamagitan ng isang panalo.

Inaasahang ang nasabing rematch ay gaganapin sa Nobyembre ngunit ito ay dedepende pa sa mga duties ni Pacquiao bilang senador at sa mapag-uusapan ng dalawang kampo.

Read more...