Construction equipment sinunog sa Maddela, Quirino

 

Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang mga heavy equipment ng isang construction company sa bayan ng Maddela, Quirino province.

Ayon sa ulat, nasa anim na kalalakihan na pawang sakay ng motorsiklo ang biglaang pumasok sa Sitio Anipto, Bgy., Cabu-an at sinilaban ang dalawang cement mixer, dalawang backhoe at isang piso ng APD Construction Company.

Tinatayang umaabot sa milyun-milyong piso ang naabo sa naturang panununog.

Hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army ang mga suspek.

Noong April 29, sinalakay rin ng mga miyembro ng NPA ang himpilan ng pulisya ng bayan ng Maddela na ikinasawi ng isang pulis.

Tinangay rin ng mga ito ang ilang armas at communications equipment sa kanilang pagtakas.

Read more...