North Korea, sinabing nakapagpalipad na ito ng Intercontinental Ballistic Missile

 

Kinumpirma ng North Korea na naging tagumpay ang isinagawa nitong ballistic missile test kamakailan.

Ayon sa North Korea Academy of Defense Science, ang tagumpay ng pagpapalipad ng Hwasong 14, na isang Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) ang huling hudyat ng kanilang pagiging isang nuclear-capable state.

Gayunman, hindi pa makumpirma ng ibang bansa tulad ng Japan, South Korea at Amerika ang katotohanan sa likod ng kupirmasyon ng North Korea.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaalisa ng ilang mga eksperto ang mga datos na hawak ng South Korea Defense Ministry ukol sa pinakahuling missile test ng NoKor.

Batay sa datos ng US, Japanese at South Korean officials, umakyat sa 2,500 kilometro ang taas ng missile at lumipad ng 930 kilometro.

Bagamat dati nang nagsasagawa ng missile test ang North Korea, ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ito ng tagumpay sa pagpapalipad ng isang ICBM.

Alegasyon ng North Korea, may kakayahan ang ICBM na umabot sa Amerika.

Read more...