Ang nasabing donasyon ay magmumula sa European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations.
Sa inilabas na pahayag ng EU, nakasaad na gagamitin ang donasyon na pambili ng pagkain at tubig, health care at hygiene kits.
Una nang sinabi ng gobyerno na hindi na sila tatanggap ng tulong sa EU, na isa sa mga bumabatikos sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero nilinaw ng gobyerno na, tatanggapin pa rin ng bansa ang humanitarian aid.
Nauna nang nagbigay ng donasyon ang China na aabot sa P20 million para sa relief operations sa Marawi, kabilang na ang P5 million para naman sa pamilya ng mga namatay na sundalo.
Maging ang Beijing ay nagpaabot na din ng tulong, kung saan nagbigay ito ng P370 million halaga ng mga armas bilang panlaban sa terorismo.