Dansalan College na ginawang kuta ng Maute group nabawi na ng militar

 

Nakuha na ng militar ang Dansalan College na ginamit bilang Maute strongpoint ng Maute terror group sa Marawi City.

Isang buwan ding inakupahan ng mga terorista ang paaralan at sinunog pa ang ilang bahagi nito nang una nilang salakayin ang lungsod.

Ang eskwelahan ay nagsilbing magandang pwesto sa mga snipers at machine gun ng mga terorista.

Ayon kay Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, ilang armas ang nabawi nila sa paaralan.

“Troops recovered Cal .50 heavy machinegun and 14 other high powered firearms as they wrestled control of the school.”

Narekover din ng tropa ng militar ang labi ng isang foreign-looking na terorista pinaniniwalaang isa sa napaulat na foreign fighters na galing ng Singapore.

Sa kabuuan aabot na sa 11 ang narecover nilang labi ng mga terorista na foreign fighters.

“Dansalan College is one of the establishments taken and partially burned by Maute ASG in the early part of the crisis.
This is the same school where the Maute brothers had their earlier education, ” dagdag n Herrera.

Sa ngayon aabot na sa 410 na ibat ibang uri ng armas ang narecover ng militar ng magsimula ang clearing operation.

Habang nasa 1,717 indibidwal na ang nasagip, at tinatayang nasa 300 to 500 civilians pa ang naiipit sa conflict area.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Task Force Marawi na malapit ng mapalaya ang Marawi city sa kamay ng mga terorista.

Read more...