Pilipinas, nasasadlak sa ‘dark era’ sa martial law decision ng SC-Gabriela

 

Nagbabala ngayon si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na nahaharap sa madilim na kabanata ang sambayanan kasunod ng naging pasya ng Supreme Court sa martial law sa Mindanao.

Ayon kay Brosas na isa sa petitioner sa Supreme Court, nahaharap na ‘dark era’ ang sambayanan lalo na ang mga kababaihan dahil sa pagsuporta ng tatlong sangay ng pamahalaan sa Mindanao-wide martial law.

Nagdudulot lamang anya ito ng pagkawasak ng Marawi City bukod pa sa malawakang paglabag sa kapatang pantao ng militar sa buong Mindanao.

Dahil anya sa naging pagpabor ng Supreme Court sa martial law, magpapalakas lamang lalo ito ng loob sa militar upang magsagawa ng mga aerial strikes at walang habas na pagpapaputok ng baril.

Maari anyang maging batayan ang desisyon ng korte upang magdeklara ng martial law sa buong bansa base na rin sa nangyari sa Mindanao kung saan ang pinagbasehan lamang na mayroong rebelyon ay ang mga hindi makatotohanang ulat ng militar.

Dahil dito, nanawagan si Brosas sa sambayanan na maging ipagtanggol ang kanilang mga karapatan sa harap ng pagkakaroon ng diktaturya sa bansa.

Read more...