7 gobernador, 132 mayor sa Mindanao, tinanggalan ng police powers

 

Tinanggalan na ng National Police Commission ng police power ang 7 governor at 132 mayor sa Mindanao region.

Ayon kay NAPOLCOM Vice-Chairman at Executive Officer Atty. Rogelio Casurao, ito ay dahil sa paggawa ng mga aktibidad na labag sa national security at pagbibigay ng material support sa mga kriminal sa kani- kanilang lugar.

Kabilang sa mga natanggalan ng police power sina Governor Esmael Mangudadatu at 28 mayor sa Maguindanao; Governor Mamintal Adiong, Jr. at 37 mayor sa Lanao del Sur; Governor Imelda Quibranza-Dimaporo at 22 mayor sa Lanao del Norte; Governor Datu Pax Pakung Mangudadatu at 12 mayor sa Sultan Kudarat; Governor Abdusakar Tan II at 13 mayors sa Sulu; Governor Hadjiman Salliman at 10 mayors sa Basilan; Governor Nurbert Sahali at 9 na mayor sa Tawi-tawi; at Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ng Cotabato City.

Sinabi pa ni Casurao na nabigo ang mga nabanggit na lokal na opisyal na panatilihin ang peace and order sa kani kanilang lugar.

Dagdag ni Casurao, sangkot din umano sa illegal drug trade ang ilang local chief executives sa Mindanao na kahalintulad ng pagbibigay ng suporta sa Maute terrorist group at iba pang criminal elements.

Read more...