Magkakaroon ng eleksyon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong darating na weekend.
Kabilang sa posisyon na paglalabanan sa halalan ay ang pangulo, bise-presidente, at walong bagong regional members para sa kanilang permanent council.
Ngayong taon ay nakatakdang matapos ang termino ni Pangasinan Archbishop Socrates Villegas bilang CBCP President.
Bawal sa charter ng CBCP ang dalawang sunod na termino para sa kanilang mga opisyal.
Bagaman isa sa mga frontrunners para sa babakantihing posisyon ni Villegas si Archbishop Romulo Valles ng Davao City na kasalukuyang bise presidente ng CBCP, lahat ng obispo ay mayroong tsansang maging presidente ng kanilang samahan ayon kay Villegas.
Ang magiging bagong presidente ng CBCP ay mauupo sa posisyon sa Disyembre at pamumunuan ang ilang mga inilatag na proyekto ng Simbahang Katoliko para sa susunod na dalawang taon.