Duterte dumalaw sa burol ng pamilyang minasaker sa Bulacan

PCOO Photo

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng pamilyang biktima ng massacre sa San Jose Del Monte sa Bulacan.

Ipinangako ng pangulo na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng limang miyembro ng pamilya Carlos.

Magugunitang pinatay ng umaming suspek sa krimen na si Carmelino Ibañez ang mga biktimang sina Aurora Dizon at ang mag-iinang sina Estrella Carlos, Donny, 11-anyos, Ella, 7-year-old at ang isang taong gulang na si Dexter Jr.

Personal rin na kinausap ng pangulo ang nag-iisang natira sa pamilya Carlos na si Dexter kung saan sinabi ng pangulo na tutulong ang pamahalaan sa lahat ng gastusin para mabigyan ng maayos na libing ang mga biktima.

Bukod sa financial assistance at bibigyan rin ng pangulo ng housing unit ang nag-iisang natira sa pamilya na si Dexter.

Kasama ni Duterte na dumalaw sa burol si PNP Chief Ronald Dela Rosa at ilan pang matataas na opisyal ng pambansang pulisya.

Nauna dito ay sinabi ng pangulo na patunay lamang na isang malaking problema ng bansa ang patuloy na pamamayagpag ng iligal na droga kung saan karamihan sa mga suspek sa krimen ay lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Read more...