Taxi, inararo ang mga tao sa Logan International Airport, 10 ang sugatan

AP PHOTO

Sampung katao ang nasugatan matapos na araruhin ng isang taxi ang mga taong nag-aabang ng taxi sa Logan International Airport sa Boston.

Ayon sa Massachusetts State Police, sa ngayon wala pang indikasyon na sinadya ang aksidente.

Agad isinugod sa Massachusetts General Hospital at Tufts Medical Center ang mga nasugatan.

Dahil sa nasabing aksidente, isinara ang bahagi ng cab pool sa paliparan.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng taxi na posible umanong nagkamali ng tapak, sa halip na preno ay gas ang natapakan dahilan para umabante ng matulin ang sasakyan.

 

 

 

Read more...