1 ang patay, 6 sugatan sa pamamaril sa France

Patay ang isa habang anim na iba pa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa Toulouse, France.

Ayon sa ulat, nakasakay ng scooter at motorsiklo ang mga suspek nang bigla na lamang pagbabarilin ang mga tao sa Abbal Square.

Dalawang suspek lamang ang nakita ng mga testigo na kapwa mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Isinantabi naman na ng pulisya ang anggulong terorismo sa nasabing pamamaril.

Ang napatay kasi ay natukoy na suspek sa isang kaso ng murder na nangyari noong nakaraang taon.

Naganap ang pamamaril ilang oras matapos na inaanunsyo ni French President Emmanuel Macron na sa pagtatapos ng taong 2017 ay babawiin na niya ang deklarasyon ng state of emergency.

 

 

 

 

 

 

Read more...