‘Ilocos 6’ handang idetine ng Kamara hanggang 2019 kung kinakailangan

 

Binalaan ng Kamara ang tinaguriang Ilocos 6 na ikukulong nila ang mga ito hanggang June 2019 kung patuloy na hindi magsasabi ng totoo kaugnay sa maanomalyang paggasta ng P66M tobacco tax.

Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel na nasa kamay ng ilocos 6 ang susi sa kalayaan ng mga ito.

Sinabi ni Pimentel na kailangan lamang ng mga itong magpasabi sa kanya na handa na silang magsalita ng buong katotohanan at kaagad siyang magpapatawag ng pagdinig.

Gayunman, kung patuloy ang mga itong iiwas sa paglalabas ng katotohanan sa nasabing transaksyon ay patuloy ang mga itong ikukulong.

Read more...