Sobra-sobrang toilet paper at iba pang suplay sa Senado, pinaiimbestigahan

 

Paiimbestigahan ni Senate President Koko Pimentel ang ulat ng Commission on Audit hinggil sa umano’y overstocking ng ilang suplay ng Senado.

Sa findings ng COA, lumitaw na may stock ang senado ng toilet paper na aabot pa ng anim na buwan habang ang nakaimbak nitong insecticide ay tatagal pa ng hanggang dalawang taon.

Nangako si Pimentel na mangangalap pa ng mga karagdagang detalye sa isyu at agad itong paiimbestigahan.

Binigyang diin ni Pimentel na hindi dapat nag-aaksaya ang senado ng pondo at resources.

Kasabay nito, aalamin din ng Senate President kung sino ang nagdesisyon o sino ang nagbigay ng pahintulot para sa pagbili ng sobra sobrang supplies sa Senado.

Read more...