Ilang miyembro ng Maute, gusto na umanong sumuko-AFP

 

Kinumpirma ni Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col Jo-Ar Herrera na may nagpaabot na sa kanila ng impomasyon na may miyembro ng Maute terrorist group ang gusto ng sumuko.

Pero hindi umano ito magawa dahil pinapatay mismo sila ng kanilang kakampi kapag sila ay nagtangkang sumuko.

Ayon pa kay Col. Herrera, magandang pahiwatig ito na humihina na ang pwersa ng Maute terrorist group.

Sinabi pa ni Col. Herrera na nagpaabot na rin ng paghingi ng tawad sa mga nakakatandang pamilya at magulang ang ibang miyembro ng Maute sa kanilang ginawa.

Naloko umano sila sa pangako na bibigyan sila ng pera, pero hindi nila inaasahan na aabot sa ganun ang sitwasyon.

Hindi naman kinumpirma ni Col. Herrera kung talagang nasa Marawi pa si Isnilon Hapilon, matapos itong kumpirmahin ni Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi ni col. Herrera, nagkanya-kanya na ang mga terorista para sa kanilang kaligtasan matapos umano sila mawalan ng lider.

Aabot naman na sa 57 building ang nabawi ng militar matapos na gawing taguan ng mga terorista.

Habang ilang bahagi ng apat na barangay ang nanatiling inokupahan ng Maute group.

Aabot naman na sa 337 ang namatay na miyembro ng Maute, 39 ang sibilyan na napatay habang nasa 82 naman ang namatay na sundalo at pulis.

Pero ayon kay Lanao Del Sur Assemblyman Zia Alonto Adiong, nasa 57 na katawan ng tao ang kanilang narekober, kabilang na rito ang mga miyembro ng Maute terrorist group.

Read more...