8 ang sugatan sa pamamaril malapit sa mosque sa France

Walong katao ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa harapan ng isang mosque sa southern French city na Avignon.

Sa ulat ng regional newspaper na ‘La Provence’, dalawang suspek ang nakita ng mga saksi na namaril habang papalabas ng mosque ang mga tao.

May takip umano ang mukha ng dalawang suspek.

May mga ulat na away umano ng mga kabataan ang ugat ng pamamaril.

Mataas pa rin ang pinaiiral na security alert sa France dahil sa sunod-sunod na terrorism attacks.

 

Read more...