Ilang baranggay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig

Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City simula ngayong araw July 3 hanggang July 6 dahil sa isasagawang “maintenance activities” ng Maynilad.

Sa isang advisory, pinayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga residente ng mga sumusunod na barangay:

July 3 (10PM) to July 4 (4AM)
Barangay Sauyo

July 5 (10PM) to July 6 (4AM)
Barangays 159, 160, 162 and 163

Sinabi naman ng Maynilad na maaaring magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit tubig kung saan may mga kasabay din na gawain para sa pipe rehabilitation.

Samantala, mayroong bagong traffic advisory naman ang Manila Water dahil sa kanilang isinasagawang pipelaying activities.

Ngayong araw sisimula ang pipelaying o paglalatag ng linya ng tubig sa Luzon Avenue sa Quezon City.

Ang construction hours ng Manila Water ay gagawin ng 9AM hanggang 4PM at 9PM hanggang 5AM.

Aabutin hanggang sa October 30, 2017 ang pipelaying activities ng Manila Water.

 

 

 

 

Read more...