Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, maaaring gamitin ng tropa ng gobyerno ang mga armas at ammunitions na mula sa China dahil kapareho lamang ito ng kasalukuyang ginagamit na baril ng mga sundalo.
Sa ngayon, sinabi ni Padilla na isinasailalim pa nila sa imbentaryo ang naturang mga armas na mula sa China.
Kabilang sa mga armas na galing sa China ay 3,000 rifles, limang milyong rounds ng live ammunition at ilang long-range rifles.
Lagpas isang buwan na simula nang pumutok ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.
Dahil sa kaguluhan, umabot na sa 400,000 na residente ang nawalan ng tirahan sa Marawi.