Bagyong Emong, lalo pang lumakas; patungo na sa Japan

Lalo pang lumakas ang bagyong Emong habang papalapit sa Ryuku Island sa Japan.

Sa latest bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 430 kilometers east northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso na 80 kph.

Ayon kay weather forecaster Benison Estareja, wala pang itinataas na storm warning signal ang PAGASA.

Ibig sabihin aniya nito, walang direktang epekto ang bagyong Emong sa bansa.

Pero posible aniyang palakasin ng nasabing bagyo ang southwest monsoon o hanging habagat.

Samantala, inaasahang nasa laban na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Emong bukas, araw ng Lunes kung magpapatuloy ang paggalaw nito sa direksyong northwest sa bilis na 30 kph.

Read more...