LPA sa silangang bahagi ng bansa, posibleng lumakas

Posibleng lumakas at maging tropical cyclone ang low pressure area (LPA) na namataan daan-daang kilometro ng Casiguran, Aurora.

Inaasahang mangyayari ito sa susunod na 24 oras hanggang 48 oras simula hapon ng Sabado, ayon kay Loreidin dela Cruz, forecaster ng PAGASA.

Dakong alas-3:00 ng hapon, namataan ang LPA 1,050 kilometro sa silangan ng Casiguran.

Gayunman, hindi naman nabanggit ng PAGASA kung posibleng tumama sa kalupaan ito.

Inaasahan namang paiigtingin nito ang hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa bansa.

Read more...