Na-delay na sweldo ng ilang kawani ng MMDA, matatanggap na

Tiniyak ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na matatanggap ng nga contractual na empleyado ang kanilang na-delay na sweldo.

Paliwanag ni MMDA Chairman Danny Lim, galing pa kasi ng road board ang pondo na ipangsusweldo.

Oras na mapasakamay na aniya ng MMDA ang pondo, agad nang ipamamahagi sa mga contractual employee kabilang ang mga traffic auxiliary ang kanilang sweldo.

Nabatid na ilan sa kawani ng MMDA ang tumatanggap 6 na libong piso kada buwan.

Ang mga kawaning na-delay ang sahod ay bahagi ng oyster program ng MMDA kung saan hindi sa budget ng ahensya kinukuha ang sahod kundi sa road board.

Read more...