1 Bata, nadaplisan ng bala sa bewang sa Marawi City

Kuha ni Jong Manlapaz 

Masayang nanoood ng TV si Solaiman Guro, 6yrs old,  sa gareha ng bahay sa Matampay St. Brgy.  Panggao Saduc, Marawi City nang bigla itong umiyak.

Tinamaan na pala ng bala sa bewang ang batang lalake, sa kabutihan palad ito ay daplis lamang.

Ayon sa kaanak ng bata, bala ng M16 ang dumaplis sa bata na nagawang butasin ang suot nitong t-shirt.

Ang bahay ni Solaiman Guro ay mahigit isang milya lamang ang layo sa sentro ng digmaan sa siyudad ng Marawi.

Isa lamang pamilya ng batang lalake na hindi umalis sa lugar na minsan na sakop ng teroristang grupo na Maute.

Minsam na rin na may bumagsak na Shrapnel ng bomba malapit lang din sa inupuaan ng bata.

Read more...