Opisyal ng isang bangko, kalaboso

Arestado ang isang babaeng opisyal ng bangko dahil sa pagnanakaw.

Nakilala ang suspek na si Mariebel Osorio, 41 anyos cash unit head ng Union Bank of the Philippines Ortigas Pasig City Branch.

Ayon kay Police Senior Suy Orlando Yebra, Chief of Police ng Pasig, naaresto ang suspek sa Barangay San Antonio, Pasig City.

Sasampahan ngayong araw ng  qualified theft ang suspek sa piskalya.

Nabatid na nagsagawa ng unathorized cash transfer ang suspek ng 17 million pesos mula sa Ortigas Cash Center patungo sa Caloocan Cash Center para i-cover ang kanyang ninakaw na pera.

Gayunman, nadiskubre ito ni Vincent Paul Castillo, Cash Services Group Head ng Union Bank of Phils. dahilan para humingi ito ng tulong sa mga pulis at ipaaresto ang suspek.

Read more...