Ito ang deklarasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang taon ng pinatinding kampanya kontra droga.
Sinabi ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña na ang mga barangay na ito ay binigyan ng “drug-cleared status” base naman sa sertipikasyon ng mga miyembro ng Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.
Ang deklarasyon ay alinsunod sa panuntunan na itinakda ng Dangerous Drugs Board (DDB) na naaayon naman sa Section 8, DDB Board Regulation No.3 series of 2017 o mas kilala bilang “Strengthening the Implementation of the Barangay Drug-Clearing Program”.
Ang komite ay pinamumunuan ng PDEA at binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH) at mga local government units (LGUs).
Bago ideklarang drug free ang isang barangay, kinakailangan na mag-convene ng komite at suriin ang isang barangay kung talagang wala nang kumakalat, nagnenegosyo at ginagawang iligal na droga sa kanilang lugar.
Sa pagtaya ng PDEA, nasa 47.83% ng kabuuang barangay sa buong bansa ang drug-affected at sa bilang na ito ay nasa 68.5 percent ang maituturing na “slightly affected.”
Aabot naman sa 30.4 % ang “moderately affected” habang ang nalalabing 1% ay “seriously affected.”
Ang National Capital Region (NCR) ang nasa highest rate ng barangay drug-affectation na umaabot sa 97.3% kasunod ang Region 13 (86.58%) at Region 7 (82.75%).