Typhoon season sa bansa, simula na

Inquirer photo

Mas makakaranas na ng mas maraming pag-ulan at pagbaha sa bansa simula ngayong buwan.

Ayon kay Rene, Paciente, assistant weather services chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 2 hanggang 3 bagyo ang posibleng pumasok sa bansa sa buwan pa lamang ng Hulyo.

Maaari aniyang magtungo ang intertropical convergence zone sa Visayas at Southern Luzon na makakaapekto sa southwest monsoon.

Dagdag pa nito, maituturing na “wetter months” sa bansa ang mga buwan ng July at August.

Samantala, opisyal namang nagsimula ng panahon ng tag-ulan noong May 30.

Read more...