Ayon sa Punong Ehekutibo, isang indikasyon ay ang pagbawas ng mga miyembro ng terorristang grupo upang tuluyang makuha ng gobyerno ang kontrol sa lungsod.
Sa kabila nito, hindi itinanggi ni Duterte na hindi niya tiyak ang eksaktong petsa kung kalian matitigil ang kaguluhan.
Gayunman, ipinarating ng pangulo na huwag mabahala dahil sigurado aniyang mananalo ang pwersa ng gobyerno laban sa mga terorista.
Muling namang humingi paumanhin si Duterte sa mga naiwang pamilya ng higit 70 tropa ng militar na nasawi sa sagupaan.
Samantala, iginiit ni presidential spokesman Ernesto Abella na binalaan ng pangulo ang mlitar sa pagpasok ng presenya ng Islamis State o ISIS sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng kaniyang termino.
Ito ay kasunod ng mga lumalabas na pamumuna ng ilang analyst na inuna anila ng administrasyong Duterte ang gyera kontra ilegal na droga kumpara sa pagsugpo sa terorismo.