2 patay sa pamamaril sa ospital sa New York

AP Photo

Namaril ang isang kinilalang doktor sa isang ospital sa New York City, kung saan dalawa ang nasawi at ikinasugat naman ng limang iba pa.

Kasama sa nasawi ang mismong gunman na kinilalang si Dr. Henry Bello, dating empleyado sa Bronx-Lebanon Hospital Center, at isang babae na natagpuang nakahandusay malapit sa bangkay ng gunman.

Suot ni Bello ang isang white lab coat at ID, at namaril sa 16th floor ng ospital.

Pagkatapos mamaril, binaril ni Bello ang kaniyang sarili na kaniyang ikinasawi.

Tatlo sa mga sugatan, na pawang mga doktor din, ay nasa seryosong kondisyon dahil sa mga natamong tama ng bala.

Read more...