Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,095 kilometer East ng Visayas.
Sinabi ng PAGASA na hindi pa ito pumapasok sa loob ng bansa.
Samantala, intertropical convergence zone naman o ITCZ ang nakaaapekto sa Mindanao.
Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na mayroong thunderstorms ang rehiyon ng CARAGA, Northern Mindanao at Eastern Visayas.
Bahagyang maulap naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES