Rollback sa presyo ng LPG, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

LPG | Inquirer File Photo

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis bukas.

Unang nag-anunsyo ng rollback ang kumpanyang Petron.

Ayon sa Petron, epektibo alas 12:01 ng madalinga raw bukas, July 1, 2017, babawasan nila ng P1.65 ang presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P18.15 na bawas sa bawat 11-kilogram cylinder.

Samantala, may bawas din ang Petron P0.92 sa kada litro ng kanilang AutoLPG.

 

 

Read more...