Binigyan ng pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang administrasyon ang isa sa mga dating tagapagsalita ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Si Lorelei Fajardo ay itinalaga ni Duterte bilang miyembro ng Board of Trustees ng Home Development Mutual Fund (HDMF).
Bilang Board of Trustees member, kakatawanin ni Fajardo ang government employees.
Papalitan ni Fajardo si dating Board of Trustees member Romulo Salud na ang termino ay nagtapos ngayong araw.
Si Fajardo ay nanilbihang deputy presidential spokesperson noong panahon ni Arroyo.
MOST READ
LATEST STORIES