Pagbasa ng sakdal kay Sen. Leila De Lima, ipinagpaliban

INQUIRER PHOTO | NIÑo JESUS ORBETA

Ipinagpaliban ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal kay Senator Leila De Lima sa isa sa tatlong kaso na kaniyang kinakaharap kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Personal na nagtungo si De Lima para sa arraignment, pero nagdesisyon si Branch 295 Judge Amelia Fabros-Corpuz na i-reset na lang ito sa August 18.

Ito ay dahil sa nakabinbin pang oposisyon ng senadora sa naganap na pag-aresto sa kaniya.

Si De Lima ay nahaharap din sa illegal drug trading cases sa sala ni Judge Patria Manalastas-De Leon ng Branch 206 at Judge Juanita Guerrero ng Branch 204.

Sa kaniyang pagdating sa korte, sinalubong si De Lima ng kaniyang mga tagasuporta.

Agad din namang ibinalik si De Lima sa custodial Center sa Camp Crame matapos na hindi matuloy ang arraignment.

 

 

 

 

 

Read more...