Pagtungo ni Pangulong Duterte sa Marawi City, hindi pa tiyak ayon sa AFP

Hindi pa tiyak ang pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng pangulo na ang nais niyang gawin sa kaniyang unang anibersaryo bilang pangulo ng bansa ay ang puntahan ang Marawi City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) tentative pa ang schedule ng pagpunta ni Pangulong Duterte sa lungsod kung saan nagpapatuloy ang bakbakan.

Dedepende kasi aniya ito sa magiging rekomendasyon ng ground commander doon.

Sinabi ni Padilla na hihintayin pa ng pangulo kung ano ang magiging abiso ng AFP bago siya tumuloy sa Marawi.

“Nag-aantay pa ng abiso ang ating mahal na pangulo upang tumuloy sa Marawi. Iyan po ay tentative pa sa kaniyang schedule magdedepende po iyan sa rekomendasyon ng ating ground commanders,” ayon kay Padilla.

Una nang sinabi ni Duterte na noon niya pa dapat ginawa ang pagtungo sa Marawi City, at ngayong unang anibersaryo niya sa pwesto ay ang pagpunta doon ang kaniyang gustong gawin.

 

 

 

 

 

Read more...