Protesta ng INC magtutuloy-tuloy hanggang sa EDSA, tatagal hanggang Lunes

11944841_893279787405247_259101998_nTuloy-tuloy ang pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kahabaaan ng Padre Faura sa Maynila hanggang bukas, Sabado ng madaling araw.

Ito ay batay sa tinatawag na “tagubilin” na nakuha ng Radyo Inquirer sa social media mula sa isang account ng isang kasapi ng Iglesia ni Cristo.

Nakalagay sa “tagubilin” na matapos ang pagtitipun sa Department of Justice ay didiretso ang mga INC members sa EDSA para doon ituloy ang kanilang prtesta.

Nakasaad sa ‘tagubilin’ na ang mga nagtitipon-tipon sa Department of Justice (DOJ) ay pawang mula sa Metro Manila ay tatlong distrito ng Laguna. Mananatili sila doon hanggang Sabado ng madaling araw.

Ganap na alas 5:00 ng umaga ng Sabado, August 29, magtutungo ang mga taga-Metro Manila at mga taga Rizal sa Ortigas at mananatili sila doon hanggang araw ng Linggo, August 30. Ang mga taga Bulacan naman ay magtutungo ng EDSA pagkatapos ng kanilang pagsamba ng Sabado at sa araw ng Linggo.

Sa August 31, nakasaad sa ‘tagubilin’ na ‘lahat ng distrito ay magsasama-sama sa EDSA hanggang sa mga susunod na araw’. Nakasaad din sa ‘tagubilin’ na ang bilang ng mga dapat na pumunta mula sa Bulacan South ay 20 libo. “Kaya obligahin ang destinado na papuntahin sa EDSA ang mga kapatid lalo na sa araw ng Lunes,” ayon sa ‘tagubilin’.

Binilinan din ang mga magtutungo sa EDSA na magdala ng mga sumusunod:
Paying; kapote; pagkain na hindi madaling masisira; tubig; flashlight; damit para sa ilang araw; powerbank para sa cellphone; 2 way radio at am/fm radio; mga gamut at pera o cash.

Inatasan din ang mga pinuno ng bawat lokal ng INC na ipaliwanag sa mga dadalo ang sumusunod na layunin ng pagtitipon: issue ng Separation ng Church and State; issue ukol sa Mamasapano; PCOS machine sa Comelec at DAP.

Nilinaw sa abiso na walang dapat sisigaw na ‘ibagsak ang gobyerno’.

Ayon naman sa ibang source ng Radyo Inquirer, ang pagtitipon ng mga kasapi ng INC ay tatagal hanggang Lunes, ika-31 ng Agosto.

Read more...