WATCH: Isang milyong pisong halaga ng cocaine at shabu, nasabat sa Alabang, Muntinlupa City

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang dalawa katao matapos mahulihan ng bulto-bultong cocaine sa ikinasang buy-bust operation sa Filinvest Rd., Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspect na sina Gecena Nuñez alyas Madam Bebe, at Andrew Nolasco.

Nakuha sa kamay ng mga suspect ang 23 sachet ng cocaine, limang sachet ng hinihinalang shabu, at ang limang libong pisong buy-bust money.

Ayon kay Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Muntinlupa City Police, aabot sa isang milyung piso ang halaga ng nasabat na iligal na droga.

Sinasabing may isa pang kasamahan ang mga suspect na siyang target ng operasyon, pero hindi lumutang ito sa ikinasang buy-bust.

Aminado naman si Madam Bebe na nagbe-benta siya ng droga, pero itinanggi nito na kanya ang lahat ng na-recover na ebidensya.

Ayon pa kay Novicio, big-time supplier ng droga sa lungsod ang mga nahuling suspect at matagal na nilang tinatarget na mahuli ang mga ito.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

Read more...