Aksidente sa isang coal-fired power plant sa Florida, 4 ang sugatan

Ilang katao ang naiulat na nasugatan matapos maganap ang isang aksidente sa Big Bend Power Station na isang coal-fired power plant sa Tampa, Florida.

Hindi bababa sa apat ang naisugod na sa Tampa General Hospital at dalawa sa mga ito ang nagtamo ng sunog sa katawan.

Patuloy pa ang rescue operations na isinasagawa ng mga otoridad sa nasabing pasilidad.

Hindi pa tinutukoy ng mga rumespondeng rescuer kung anong uri ng aksidente ang naganap, pero nakitaan ng sunog sa katawan ang dalawa sa mga sugatan.

Ayon sa tweet ng Hillsborough County Fire Department, isang industrial accident ang naganap sa power plant.

 

 

 

 

 

Read more...