La Union niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Naguilian sa lalawigan ng La Union.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 4 kilometers North ng Naguilian alas 12:17 ng madaling araw.

May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs bunsod ng nasabing lindol.

Samantala, 12:07 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan ng Sabtang sa Batanes.

Wala namang inaasahang pinsala na maidudulot ang dalawang pagyanig.
 

Read more...