Ito ang tiniyak ni Foreign Minister Wang Yi kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na bumibisita sa Beijing sa kasalukuyan.
Paliwanag ni Wang, unang bahagi pa lamang ng tulong ng China ang ipinadalang mga armas kamakalawa at magpapatuloy ang pagpapadala nila ng kinakailangang ayuda sa mga susunod na panahon.
Ayon naman kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, magkakaroon pa ng second batch ang mga armas na kanilang ibibigay sa Pilipinas.
Bagama’t hindi aniya kalakihan ang bilang ng mga armas na kanilang ibinigay, simbolo aniya ito ng panibagong yugto sa ugnayan ng Pilipinas at China.
Bukod sa usapin ng terorismo, patuloy rin aniyang tutulong ang China upang masugpo ang droga sa bansa.